Apostol Andres at Kanyang Hugis-X na Krus
Kapitulo Tatlo
Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan [Bautista], at sumunod sa Kanya, ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. Una niyang natagpuan ang kanyang kapatid na si Simon, at sa kanya’y sinabi, “Natagpuan na namin ang Mesiyas”—na kung isasalin ay Kristo. Juan 1:40–41
Ang Apostol Andres ay nakababatang kapatid ni Apostol Simon Pedro. Gaya ng kanyang ama at kapatid, mangingisda si Andres sa Dagat ng Galilea. Debotong tagasunod din siya ng propeta sa disyertong si Juan Bautista.
Sinasabi ng tradisyong isang araw ay kasama ni Andres si Juan Bautista malapit sa isang maliit na nayong tinatawag na Betanya na nanonood habang nagpapahayag ang Bautista at nagbabautismo ng mga bagong deboto sa katubigan ng Ilog Jordan. Sa araw na ito, nagpakita ang isang batang mula sa Nazaret kay Juan na naghahangad mabaustimuhan. Nakilala ng Bautista ang batang lalaki na pinsan niyang si Hesus. Nagdalawang-isip siya sa una dahil pakiramdam niya’y hindi siya karapat-dapat sa gayong dakilang karangalan. Subalit ginawa rin niya kalaunan ang gampanin at binautismuhan ang Panginoon. Sa paggawa niyaon, binago ni Juan Bautista ang takbo ng kasaysayan.
Matapos bautismuhan ang Panginoon, natanto ni Juan na tapos na ang bahagi niya sa pinakadakilang kuwentong nabanggit. Pagkatapos ay ipinakilala ng Bautista si Andres kay Hesus. Dahil una siya sa Labindalawang Apostol na ipinakilala kay Hesus, magpakailanman siyang matutukoy bilang ang
The Calling of Andrew and Peter ni Luca Giordano Dahil Una siyang Tinawag, unang bumaba sa bangka si Andres
“Unang tinawag.” Siya ang unang tinawag sa Labindalawang Apostol gayundin sa bilyong kababaihan at kalalakihang tumanggap kay Hesus bilang kanilang manliligtas mula nang araw na iyon mahigit 2,000 taon na ang nakalipas. Natural lamang na nais niyang ibahagi ang nakakapanabik na balita sa kanyang kapatid, si Simon Pedro.
Mula sa puntong iyon, gayunpaman, hindi nagsabi ng marami ang mga Ebanghelyo ni ang Aklat ng Mga Gawa hinggil kay Andres. Sa Himala ng Tinapay at Isda, siya ang nagturo kay Hesus sa batang may limang tinapay at dalawang isda. Kalaunan, pinakilala kapwa nina Andres at ng apostol Felipe si Hesus sa isang pares ng di-pinangalanang Griyego. At kasama ni Hesus si Andres sa Caesarea-Philippi nang sinabi ng Panginoon sa kapatid niyang si Pedro na “sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking Iglesia.” Ang katunayang si Andres ang taong nagpakilala kay Pedro kay Hesus una sa lahat ay maaaring nagparamdam sa kanya ng lubhang pagmamalaki sa nakatatandang kapatid.
Matapos ang Pentecostes, ang mga alamat at kuwento ng mga misyunaryong paglalakbay ng Apostol Andres sa ngalan ng bagong Iglesiang Kristiyano ang magsasanhi sa kanyang maging ang pinakanaglakbay sa Labindalawa. Taglay ng mga Kristiyanong pinagmulan ang apostol na naglakbay silangan hanggang kanluran mula sa Eskosya patungong Kasakstan at hilaga hanggang timog mula Rusya patungong Tanzania. Nagsulat pa nga ang isang Griyegong may-akda ng isang 1,000-pahinang aklat kung saan isinaad niyang nagtungo sa katunayan si Andres sa apat na misyunaryong paglalakbay!
May dalawampu’t pitong taon lamang ang apostol sa pagitan ng unang Kristiyanong Pentecostes noong 33 AD hanggang sa oras ng kanyang pagkamartir sa paghahari ng Romanong emperador na Nero noong 60 AD. Isinaad ng historiyador ng Iglesia na si Origen ng Alexandria (185–232) sa kanyang mga komentaryo sa sinaunang Iglesia, na nagpahayag si Andres sa Scythia. Isa itong kilalang rehiyon sa sinaunang mga Griyego na nasa hilaga ng Itim na Dagat at Dagat Caspian na kinabibilangan ngayon ng silangang Poland, Ukraina, ang Republika ng Georgia, timog Rusya, at Kasakstan. Sinusuportahan ang katibayan na itinatag ni Andres ang mga iglesia sa rehiyong ito ng katunayang binabalika ng mga Ortodoksiyang Iglesia ng kapwa Republika ng Georgi at Abkhazia ang kanilang Apostolikong Awtoridad sa mga Apostol Andres at Simon na Masigasig.
Sa The Chronicles of Nestor, na siyang unang naisulat na komprehensibong kasaysayan ng silangang taong Slavic, sinulat ng isang Ortodoksiyang mongheng nagngangalang Nestor (1056-1114) na unang nagpahayag ng Ebanghelyo si Andres sa silanganang pampang ng Itim na Dagat. Pagkatapos ay naglayag ang pahilaga mula sa modernong lungsod ng Odessa paakyat sa Ilog Dnieper hanggang Kiev, ang kabisera ng Ukraina. Sinasabi ng dagdag na lokal na tradisyon na naglakbay siya nang mas malayong pahilaga patungong rehiyon sa pagitan ng Moscow at St. Petersburg. Sa ngayon, ang Apostol Andres ang patrong santo ng Georgia, Ukraina, at Rusya.
Orden ni San Andres
Ang Orden ni San Andres na Apostol Bilang parangal sa Patrong Santo ng Rusya, itinatag ni Tsar Peter the Great ang Orden ni San Andres na Apostol noong 1689. Ibinigay ang gawad upang “gantimpalaan ang mga prominenteng estadista at pampublikong pigura, mga bantog na kinatawan ng agham, kultura, sining at iba’t ibang industriya para sa mga pambihirang paglilingkod, para sa pagtataguyod ng katiwasayan, kadakilaan at luwalhati ng Rusya.” Kabilang sa mga tumanggap kamakailan ang may-akda na si Alexander Solzhenitsyn, tagadisenyo ng baril na si Mikhail Kalashnikov, Mikhail Gorbachev, manunulang si Rasul Gamzatov, at mananayaw at koreograpong si Yury Grigorovich. |
Pagkatapos ay bumalik patimog si Andres sa Itim na Dagat. Malamang ay naglakbay siya pababa sa Ilog Vistula sa pamamagitan ng gitnang Poland at ibabang Dnieper. Pagkatapos ay naglayag siya patimog mula sa Crimean Peninsula patawid sa Itim na Dagat patungong puwertong lungsod ng Sinope sa modernong Turkey. Nanatili siya nang ilang panahon sa pamamasyal sa Pontus, Galacia, at Cappadocia. Bagama’t walang umiiral na tradisyon, pinaging posible ng panahon at mga lokasyon na siya ay kapatid niyang si Pedro ay nagsamang gumawa sa katunayan nang ilang panahon upang ipalaganap ang Salita ng Diyos. Nang matapos ang gawain nila, maaaring nagkaroon ang dalawang anak na lalaki ni Jonah ng isang huling mahalagang pagpasyal nang magkasama bago maghiwalay magpakailanman sa kani-kanilang personal na landas patungong walang-hanggang kaluwalhatian.
Pagkatapos ay naglakbay na si Andres pakanluran sa mga rehiyon ng Bitinia at Asya patungo sa isa noong maliit na dating outpost na tinawag na Byzantium. Doon, sa magiging dakilang lungsod ng Constantinople (modernong Istanbul, Turkey), nagtatag siya ng isang iglesia.
Balon ni San Andres sa Isla ng Cyress
Kinatagpo niya ang isang lalaking nagngangalang Stachys na isa sa Pitumpung Disipulo ni Hesus. Pagkatapos ay itinalaga niya si Stachys bilang ang unang episkopo ng kung ang ngayong Patriarchate of Constantinople. Hanggang ngayon, itinuturing ng lahat ng arsobispo ng Constantinople ang kanilang sarili bilang mga kahalili ni apostol Andres. Ang kasalukuyang ekumenikong patriyarka, “Kanyang Pinakadibinong Kabanal-banalan ang Arsobispo ng Constantinople, Bagong Roma at Ekumenikong Patriyarka” Bartolomeo I, ay ang ika-270 humahawak ng sagradong titulo.
May isang maaasahang alamat na nagsasabing sa isa sa mga misyunaryong paglalakbay ni Andres sa palibot ng katimugang baybayin ng Turkey, binagyo ang barkong may lulan sa kanya. Pagkatapos ay sumadsad ang bangka nila sa mabatong silangang baybayin ng Isla ng Cyprus. Sinasabing hinampas ng apostol ang isang bato gamit ang kanyang tungkod at lumitaw ang matamis na tubig na dumadaloy pa rin sa tigang na rehiyong ito ngayon. Itinayo ang isang Griyegong Ortodoksiyang Iglesia na tinatawag na Apostolos Andreas Monastery sa ibabaw ng lugar ng balon. Isang lugar ng dakilang peregrinasyon, nasira ang monasteryo bilang resulta ng Digmaang Sibil na Cypriot/Turkish. Kakabukas lang muli ng simbahan sa mga bisita.
Pagkatapos ay lumipat siya pa hiagang-kanluran sa Thrace (modernong Bulgaria), patungo sa sinasabi ng tradisyong tinigilan niya nang maraming taon sa Romanong Dacia (modernong Romania). Matapos itatag ang maraming iglesia, naglakbay si Andres patimog sa Macedonia at Albania, at humantong sa isang lungsod sa kanlurang baybayin ng Gresyang tinatawag na Patras.
Dito sa Patras noong taong 60 AD namartir si Andres matapos pagalitin ang isang lokal na gobernador dahil sa pagbabautismo sa kanyang asawang si Maximilla, at kapatid niyang si Stratokles. Dahil itinuring ng apostol na hindi siya karapat-dapat sa katulad na anyo ng pagkapako sa krus gaya ng kay Hesus, kaya sa halip ay pinili niyang mamatay sa isang crux decussata, isang hugis X na krus.
Pagbisita sa Lugar ng Pagkamartir ng Apostol Andres
Direktang pagtawid sa kalye mula sa Puwerto ng Patras, Gresya, ay may isang simbahang Ortodosiya na tinatawag na Katedral ni San Andres. Ang gusali ang pinakamalaking Griyegong Ortodoksiyang simabahan sa Gresya. Sa kaliwang
Pasukan sa Kapilya ng Pagkamartir ni San Andres: Patras, Gresya
gilid lang (timog) ng pangunahing pasukan ng simbahan ay isang maliit na kapilyang itinayo sa ibabaw ng isang maliit na sapa na sa tagal ay itinalaga kay Demeter, ang Griyego diyosa ng ani.
Dito sinasabing nagpahayag ang apostol Andres at kung saan siya namartir sa huli. Sinabi sa amin ng mga gabay na aklat na ang daanang pababa sa balon at sa lugar ng pagkamartir ay karaniwang nakakandado para sa mga peregrino at bisita. Gayunpaman, sa isang kapritso lang, matapos ang hapunan namin, nakakita kami ng maraming gawain sa katedral kung kaya naglakad kami upang tingnan ito. Kung sinuswerte nga naman, anumang okasyong pinagdiriwang ng mga tao ng Patras, ang pasukan sa balon ay bukas! At lalong mainam, ay walang pumigil sa amin sa paggalugad nang madetalye sa buong istrukturang nakabaon sa lupa.
Sa konklusyon, upang mabisita ang lugar ng pagkamartir ng Apostol Andres, ang dapat mo lang gawin ay maglakad panaog sa hagdan kung saan makikit mo ang balon ni tandang Demeter. Pagkatapos ay kumanan ka at makikita mo ang isang pader na may malaking pahilis na krus na nakapinta rito. Sa puntong ito, mapapasagradong presensya ka ng kung saang sinasabi ng alamat na tumagal si Apostol Andres sa hugis X na krus nang dalawang araw. Sa buong panahong iyon ay nagpahayag siya ng Mabuting Balita ni Hesus bago tuluyang samahan ang kanyang kaibigan at Panginoon sa langit.
Lugar Kung Saan Namatay si San Andres sa Hugis-X na Krus |
Pinalibing ni Maximilla ang mga mortal na labi ng Unang tinawag na Apostol ng Diyos nang may pagpaparangal sa lugar ng pagpatay sa kanya malapit sa Gulpo ng Patras. Humimlay roon ang kanyang mga buto sa loob ng tatlong daang taon hanggang sa simulan nila ang isang malaki at lubhang nakakalitong paglalakbay. Itinayo ang modernong Griyegong Ortodokdiyang Katedral ni San Andres sa ibabaw ng orihinal, ngunit hungkag ngayong libingan.
Hagdang Pababa sa Demeter’s Spring |
Simbahan ng San Andres: Amalfi, Italya
Libingan ni San Andres
Pagbisita sa mga Huling Labi ng Apostol Andres
Upang mabisita ang opisyal na huling himlayan ng Apostol Andres ang gagawin mo lang ay maglakbay sa tabing-dagat na bayan ng Amalfi, Italya. Doon, sa magandang Katedral ni San Andres ay dapat kang maglakad pababa ng hagdan tungo sa isang silid sa ilalim ng pangunahing altar. Doon ay makakatayo ka sa harap ng isang nakakandadong libingan ng Unag tinawag na Apostol. Kung paano nakarating doon si
Andres ay isang nakakamanghang kuwento.
Posible ring bisitahin ang mas maliliit na dambanang itinuon para sa Apostol Andres. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbisita sa Simbahang Romano Katoliko ni Sta. Maria sa Edinburgh, Eskosya at ang Griyegong Ortodiksiyang Katedral ni San Andres sa Patras, Gresya. Kung paanong nakarating ang malalaking piraso ng mga buto ni Andres sa mga lugar na ito ay interesante rin.
Maliban sa libingan ni San Pedro, ang mga mortal na labi ni apostol Andres ang may pinakatumpak na pangkasaysayang tala kaysa anuman sa mga relika ng iba pang apostol. Matapos ang kanyang pagkapako sa krus at pagkalibing noong 60 AD, payapang humimlay ang kanyang mga relika sa kanlurang Gresyang lungsod ng Patras. Magwawakas ito paglipas ng kulang 300 taon pagkadeklara ng Romanong Emperador na Constantinong Dakila sa Kristiyanidad bilang ang opisyal na relihiyon ng emperyo.
Fatih Mosque, Istanbul Turkey |
Sa taong 330, pinasya ni Constantino na magtayo ng isang malaking simbahan para sa sarili niya sa Constantinople upang magsilbing libingan niya. Tatawagin ang simbahang ito na Simbahan ng mga Banal na Apostol. Dahil “niligtas” niya ang Kristiyanidad, nagkaopinyon ang emperador sa kanyang sarili na siya ang ikalabintatlong “apostol.”
Noong 357 AD, gaya ng hiling ng kanyang ama, pinalipat ni Constantius ang mga buto ni Andres mula sa Patras patungong Constantinople. Ngunit wala sa ganap na pagsang-ayon ang mga historyador sa kung sinong iba pang apostol (Felipe? Santiagong Munti?) ang ililipat sa kalaunan sa bagong simbahan ni Constantino. Lahat ay sumang-ayon, gayunpaman, na doon si Andres.
Ang Simbahan ng mga Banal na Apostol kalaunan ay naging pook-libingan sa susunod na ilan daang taon ng mga santo ni Constantinople at mga piling pinuno. Noong 1204, dinambong ng mga krusador ng Ikaapat na Krusada at winasak ang lungsod gamit ang malaki nilang hukbo. Upang maingatan ang mga mortal na labi ng Apostol Andres, isang lalaking nagngangalang Cardinal Peter ng Capua ang nakasalba sa katawan ng santo at ilipat ang mga labi sa kanyang bayan-sinilangan ng Amalfi, sa katimugang Italya.
Pagkatapos ng pananakop ng Muslim noong 1453, ang Simbahan ng mga Banal na Apostol ni Constantino ay nawasak at kalaunan at kailangan nang pabagsakin. Sa modernong lungsod ng Turkey na Istanbul, nakatayo ang kapwa maganda at napakakahanga-hangang Fatih Mosque sa lupa ng dating simbahan. Sa hardin ng moskeng ito, may labing-anim na berdeng haliging bato. Ang mga ito ang tanging nalabi sa dakilang simbahan ni Constantino.
Ngayon, sa silid sa ilalim ng pangunahing altar ng Katedral ni San Andres sa Amalfi, mabibisita mo ang libingan ng Apostol Andres.
Subalit May Bahagi B at C pa sa Kuwento ni Andres!
Bahagi B: Sa panahong nagkaroon si Constantino ng malaking ideya na itayo ang kanyang Simbahan ng mga Banal na Apostol, isang lalaki na makikilala bilang San Regulus ang nanaginip. Si Regulus ang Episkopo ng Patras, Gresya. Alalahaning sa simula ng kapitulong ito, na sa Patras namartir si Andres at unang nailibing.
Sinabi ng anghel kay Regulus na alisin upang maingatan ang mga buto ni Apostol Andres sa abot ng kanyang makakaya. Pagkatapos ay maglalakbay siya kasama ang mga ito sa layong kanyang maaabot tungo sa kanlurang dulo ng mundo. Sinasabi ng alamat na nakaya niyang makakuha ng tatlong buto sa daliri, isang ngipin, isang buto sa tuhod, at isang buto sa itaas na bahagi ng kamay. Isang ulat na nabasa ko sa paglalakbay ni Regulus ay na sinamahan siya ng malaking bilang ng mga benditadong birhen sa kanyang misyon, kabilang ang isang babaeng makikilala sa kalaunan bilang Santa Tribuana.
Santa Triduana Si Santa Triduana (kilala rin na Trodline, Tredwell, at Trøllhaena) ay isang madreng Kristiyano na isinilang sa Colossae, Gresya, na naglakbay kasama ni San Rule (Regulus) at mga buto ni apostol Andres mula sa Constantinople hanggang sa hilagang Eskosya noong ikaapat na siglo. Hindi nagtagal matapos siyang dumating sa Eskosya, nabighani ng kanyang dakilang kagandahan ang atensyon ni Haring Nectans, ang pinuno ng Picts. Dahil pinuri ng hari ang ganda ng kanyang mga mata, upang pigilan ang mga susunod niyang hakbang, dinukot niya ang mga ito sa kanyang mata, itinusok sa isang pinatulis na patpat, at binigay sila kay Nectan. Matapos ang kamatayan niya, inilibing siya sa isang parokyang simbahan sa dating nayon ng Restalrig, ngayon ay bahagi ng Edinburgh. Hanggang ngayon, si Sta. Triduana ay ang patrong santa ng pagkabulag at iba pang sakit sa mata. |
Pagkatapos ay sinabi ng parehong anghel kay Regulus (kilalaring San Rule) na tapusin ang kanyang paglalakbay sa hilagang baybayin ng Fife River sa isang nayong Pictishna tinatawag na Kilrymont, na tinatawag ngayong St. Andrews.
Guho ng S. Andrew’s Cathedral: St. Andrews, Scotland
Dito, magtatatag siya ng simbahang iaalay sa Apostol Andres. Bagama’t nagtagal ito, nakumpleto sa wakas ang Katedral ni San Andres noong 1058.Doon ay tumayo ito bilang lugar ng banal na perigrino hanggang sa Scottish Reformation noong Hunyo 1559. Sa ilalim ng mga utos ni John Knox, ang mga relika ni Andres ay ipinagpalagay na nawasak sa patayan nang dambungin ng mga repormista ang simbahan. Sinasabi kong “ipinagpalagay” dahil, sa isang pagbisita sa nawasak na katedral, nakausap ko ang isang lokal na gabay na nagsabi sa aking ang mga relika ay maaaring nasa pader pa rin sa likod ng lokasyon ng orihinal na pangunahing altar na minarkahan ng isang “X!”
Bilang resulta ng Repormasyon, pinagbawal ang Katolikong pagsamba sa Eskosya. Noong 1878, napanumbalik ang mga karapatan ng mga Katoliko. Kahit na ang mga buto ni Andres ay maaaring naroon pa o wala na sa lungsod ng St. Andrews, maaari mong bisitahin ang ilan sa mga relika ng apostol sa Edinburgh.
Noong 1879, nagpadala ang arsobispo ng Amalfi ang bagong balik-talagang Simbahang Romano Katoliko ni Sta. Maria ng isang malaking piraso ng buto sa balikat ni Andres. Bilang parangal sa pagkatalaga kay Kardinal Gordon Joseph Gray, ang unang taga-Eskosyang Kardinal sa loob ng 400 taon, nagpadala si Papa Paul the Sixth noong 1969 ng isa pang relika sa dambana ni San Andres.
Bahagi C: Ngayon, sa Patras, Gresya, nakatayo ang malaking Griyegong Ortodoksiyang Katedral ni San Andres sa ibabaw ng
Ang Katedral ni San Andres: Patras, Gresya. Ang Kapilya ng Kanyang Pagkamartir ay Hindi Matanaw sa Kanang Bahagi ng Larawan
pagkapako sa krus at libingan ng apostol Andres. Sa loob ng simbahan, tungo sa kanan ng pangunaging altar, may isang malaking pilak na lalagyan ng relika. Kapag titingnan mo ang loob ng salaming simboryo, makikita mo ang isang malaking piraso ng bungo ng apostol. Kung paano ito dumating doon ay nakakahanga rin.
Isa sa pinakadakila sa mga pinuno ng lumang Emperyong Byzantine ay ang emperador Basil the First. Isinilang na karaniwang tao, naghari si Basil mula 867 hanggang 886. Dahil sa mga dahilang hindi ko mahanap isinauli niya ang pirasong ito ng bungo ni Andres sa Patras. Nanatili roon ang relika hanggang 1461, nang salakayin ng mga Turkish Ottoman ang rehiyon. Sa pagkatantong kailangang wasakin ng mga Ottoman ang Kristiyanong relika, tumakas si Thomas Palaeologus, isang lokal na pinuno, patungong Italya, dala-dala ang bungo ni Andres.
Binigay ni Thomas Palaeologus ang bungo kay Papa Pius the Second. Pagkatapos ay pinagawan ng papa ng dambana ang bungo sa isa apat na sentrong piyer ng Basilika ni San Pedro. Sa susunod na limandaang taon, ang mga buto nga dalawang anak ni Jonah ay muling nagsama.
Gayunpaman, noong 1964, iniutos ni Papa Paul the sixth na ang Bungo at iba pang relika ng apostol na pag-aari ng Vatican ay isauli sa Griyegong Ortodoksiyang simbahan sa Patras, kung saan makikita mo ito ngayon.
Relikaryong Taglay ang Bahagi ng Bungo ni San Andres. Sa Kaliwa ay mga Bahagi ng Hugis-X Niyang Krus: